Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Tuesday, July 5, 2011

BPI Opens Biggest Yet Search for Kids of OFWs on its 160th Year

After the successful search for outstanding Overseas Filipino Workers (OFWs), the Bank of Philippine Islands opens biggest yet search for kids of OFWs. Here's the press release from Brand Speak Asia's Media Relations Department as forwarded by Marist Nagera.

The Bank of the Philippine Islands (BPI) calls on children of Overseas Filipinos (OF) to join the country’s biggest yet search for Expat Pinoy Children, the 2011 Search for the Ten Outstanding Expat Pinoy Children. This year, BPI brings a bigger and wider search for exemplary OF children as it celebrates its 160th anniversary celebration.
Now on its 5th year, the Search for Ten Outstanding Expat Pinoy children will award students with exceptional achievements in academic and non-academic fields for the Ibang Klaseng Talino, Ibang Klaseng Community Leader, Ibang Klaseng Entrepreneur, and Ibang Klaseng Artist/Athlete categories.

“BPI’s annual search for outstanding Expat Pinoy children reflects our continued thrust to support and help the country build a stronger nation through the empowerment of our country’s modern day heroes, our overseas Filipino workers, ,” says Teresita B. Tan, Executive Vice President and Group Head of Overseas Banking and Channel Services Group of BPI.

First introduced in 2007, BPI’s Search for the Ten Outstanding Expat Pinoy Children empowers the youth and their OFW parents by recognizing their significant contributions in the country as model families and modern day heroes of today’s generation.

This nationwide Search is open to college students not more than 21 years old, with no failing grade and with a parent holding a current work contract abroad. To join, applicants must submit an essay titled “What is the strongest characteristic that you have which you think is unique to an OF Son/Daughter that you believe is beneficial to change the community around you?” or alternatively “Ano sa palagay mo ang natatangi mong katangian bilang anak ng isang Overseas Filipino Worker na makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong pamayanan?” in either English or Filipino with at least 1,500 to maximum of 2,000 words. The applicants are judged by a screening committee based on their academic excellence, community contribution, and other non-academic talents or skills such as sports, music, or arts. Seven (7) students will be awarded with the Ibang Klaseng Talino award and three (3) students will be given the Ibang Klaseng Community Leader, Ibang Klaseng Entrepreneur, and Ibang Klaseng Artist/Athlete awards. Application period is until August 15, 2011.

Promo details and application forms are available at http://www.bpiexpressonline.com/.

Thursday, April 7, 2011

BPInoy Opens Nomination for Biggest Yet Search for Outstanding Pinoys Abroad

Do you know an exceptional overseas Pinoy? The Bank of the Philippine Islands (BPI) now opens the nomination for outstanding overseas Filipinos (OFs) for the 6th BPInoy Awards, an annual recognition for Pinoy achievers in the global platform and the biggest one yet to happen in its history as BPI celebrates its 160th year this 2011.

This year’s awardees will be joining the roster of past BPInoy Awardees such as White House executive chef Ms. Cristeta Pasia-Comerford, BBC news presenter Rico Hizon, internationally-acclaimed fashion designers Monique Lhuillier and Josie Natori, and world acclaimed Lea Salonga and International signing sensation Charice Pempengco.

“We commend the Filipinos who take risks in a far away country wearing his distinct nationalism as his pride and honor. In turn, they become global achievers and continue to bring pride to the country with their achievements. Through the BPInoy Awards, we recognize these Filipinos, our country’s pride and modern heroes that today’s youth can also look up to,” says Teresita Tan, BPI EVP and Group Head of Overseas Banking and Channel Services Group.

Individuals of Filipino heritage, regardless of current citizenship, and of good moral character, may be nominated for their outstanding achievements as long as they have lived and or worked overseas. All nominees will be evaluated by the BPInoy Awards Steering Committee based on criteria that include top-of-mind awareness and societal impact of achievements, among others.  Two awardees will be chosen for the Arts and Media or Sports Category and Business or Science and Technology Category.
Nominations may be made by any Filipino individual or organization based locally or internationally, by sending a short article about the nominee, specifically on his/her accomplishments that have brought honor and pride to the country which answers the questions:
·         Why does the nominee deserve recognition as a BPInoy Awardee?
·         How have the nominee’s efforts made a difference for the betterment of the Overseas Filipino community abroad?
·         Is there anything else that makes the nominee exceptional or unique?

Entries must be submitted on or before May15, 2011 to bpinoyawards@bpi.com.ph addressed to Ms. Athena G. Balleza, Marketing Department, Overseas Segment Division, BPI.

For more information about the BPInoy Awards, log on to www.bpiexpressonline.com

Friday, August 28, 2009

Malayo ka man, May Maitutulong din

Bilang mga Pilipino na namamasukan sa ibang bansa, hindi mo maiiwasan ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na malayo sa iyong kasalukuyang kinalalagyan. Minsan, naiisip mo kung bakit kinakailangan pa'ng magtiis kung kaunting kaginhawaan rin lang naman ang hangad mo sa buhay. Bakit mo ba sinasakripisyo ang sarili mo'ng kaligayahan na makapiling ang iyong mga mahal sa buhay? Ganun nga ka ba ka higpit ang iyong pangangailangan na pati sarili mo'ng pamilya na kumalinga sa iyo ay kaya mo'ng iwanan? Sa totoo lang, mahirap sagutin ang mga katanungang yaon. Mahirap sapagkat alam mo na masasaktan ka sa sagot. Masasaktan ka sapagkat tunay na nakakatusok ng damdamin ang katotohanan na bubungad sa iyo.

Gaano na nga ba kalala ang kasalukoyang sitwasyon sa Pilipinas na kinakailangan pa natin na mangibang bansa para lang matugunan ang pangangailangan ng ating mga pamilya o ng ating sarili? Sari-sari ang sagot na maririnig mo sa mga katanunga'ng ito. Ngunit pakinggan mo lang ang bulong ng mga tao na nagiging pipi habang sinasakyan ang mga kaganapan ng ating bansa at ikaw ay mamamangha sa sasabihin nila. Hindi sila ang mga tao na tumatamasa ng magandang buhay. Sila ang mga tao na sa kabila ng lahat, hindi iniintindi ang kahirapan sapagkat hindi nila naihahalintulad ang kasiyahn na manatili sa sariling bansa kasama ang mga mahal sa buhay. Sila ang mga tao na patuloy na naniniwala na may malaking mga pagbabago na maaari pa'ng dumating sa ating bansa.

Sa totoo lang, naitatanong ko din sa sarili ko minsan kung bakit ko pa kailangan na manatili sa bansang ito. Bilang isang guro, alam ko na may malaking maitutulong ang aking kakayahan para sa ikauunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng paghubog ng mga kabataan na siyang magiging kinabukasan ng ating bayan. Dito sa Thailand, ang bawat pasasalamat ng aking mga mag-aaral ay hindi lamang nagsisilbing pampalubag loob sa akin bilang guro. Higit pa diyan, ito ay nagmumulat din sa akin sa tulong na pwede ko'ng maidulot sa aking mga kababayan kung ako ay babalik sa Pilipinas upang magturo. Gayunpaman, mayroon pa rin akong dahilan sa aking pananatili at iyon ay upang hubugin ang aking sarili para magiging handa sa malaking mga pasubok na maari ko'ng harapin sa tuluyan ko nang pamamalagi sa Pilipinas. Hindi ako pwedeng magsalita ng tapos pero sa tingin ko, iyon ay mga dalawang taon mula ngayon. Aking adhikain na sa aking pagbabalik sa aking bayan na sinilangan, madadala ko ang mga bagong kaalaman na pwede kong ibahagi sa aking mga kababayan.

Sa ngayon, habang ako ay nasa ibang bansa, wala akong ibang magagawa kundi gampanan ng buong puso at walang pag-iimbot ang aking tungkulin bilang isang banyagang manggagawa na inaasahang huhubog at lilinang sa kaalaman ng mga itinuturing na kinabukasan ng aking bansang kinalalagyan. Bilang isang gurong pinoy, wala akong ibang maidudulot sa kanila kundi ang aking sigasig at dedikasyon na sila ay maihanda sa mga pagsubok na maaari nilang harapin bukas. At ngayon, ako ay nasisiyahan sapagkat nakikita ko na ang simula ng magandang adhikain ng mga Pilipino dito sa ibang bansa lalo na dito sa aming paaralan. Buklod ng iisang damdamin at kaisipan na maiangat ang sariling lahi, ang lahat ay handa nang tahakin ang landas tungo sa malaking pagbabago na siyang magpapamulat sa lahat ng tunay na diwa ng mga Pilipino. Nagkakaisa, kahit saan at kahit kailan. Sana, sa tulong ng bawat isa, ay aming magagampanan ng buong husay at sigasig ang aming mga gawain at sana ang pagkakaisang ito ay maghahatid ng magandang mensahe sa bawat isa sa amin at sa iba pang mga Pilipino sa mundo.

Bilang mga manggagawang Pinoy dito sa Thailand na tinataguyod ang sariling mga pangarap at ang mga pangangailangan ng mga pamilya sa Pilipinas, ito ang aming magiging handog sa bawat isa sa atin. Wala akong ibang hangad kundi ang tagumpay ng bawat isa.

Friday, August 21, 2009

OFW, Mabuhay ka!

Noong ako'y umuwi sa Pilipinas mahigit isang taon na ang nakalipas, may mga napansin akong mga pagbabago sa lugar na aking kinalakihan. Ang dating mga nakaladlad na mga lupain at hindi napapakinabangan ay naging mahalagang bahagi na sa kaunlaran na nagaganap.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat, dinig ko parin ang mga hinaing ng karamihan sa ating mga kababayan. Tulad ng dati, marami parin ang nangangarap na makarating sa ibayong bansa at makalaya sa kahirapan na dinaranas sa sariling bayan. Tanaw ko man ang mga magagandang pagbabago sa aking sariling bayan sa panahong iyon, hinimok ko parin na ikasya ang aking mga paa sa tsinelas ng aking mga kababayan nang sa ganun ay lubos kong maunawaan ang kanilang mga buhay. Mahigit isang taon din akong nawalay sa kanila at simula noong ako ay umalis, nag-iba na ang buhay na aking tinahak. Ang mahigit isang taon na pamamalagi sa Thailand ay nakaimpluwensya na sa akin pati na sa pananaw ko sa buhay lalo pa't bilang isang magtuturo, hindi ko pweding ipagdiinan ang aking sariling paniniwala at pananaw sa aking mga mag-aaral at mga kasamahan sapagkat sila ay may sarili di'ng mga pananaw at kuro-kuro sa buhay. Hindi ko pweding ipilit na ako ay tama sapagkat ginagawa ko na ang mga bagay na ito sa Pilipinas bagkos ay kailangan kong yakapin ang aming pagkakaiba.

Kaya naman, sa aking pag-uwi ay unti-unti ko na namang binalik ang aking sarili sa kung saan talaga ako nabibilang sapagkat alam ko na walang kultura, lugar, karanasan, anyo o tagumpay na makakabago sa aking pagka Pilipino. Sabihin ko man na ako'y manhid at di nag-iisip, manunumbalik parin ang aking pagka Pilipino. Nakarating man ako sa ibang bansa, mas mahalaga parin ang buhay na aking kinagisnan.

Ilang araw ang lumipas, akin nang napagtanto ang buhay na aking iniwanan. Unti-unting bumalik sa aking ala-ala ang sari-saring mga dahilan kung bakit umalis ako sa sarili kong bansa noon. Kasabay nito, aking naintindihan kung bakit sa kabila ng mga magagandang pagbabago na aking nakita ay mayroon paring mga Pilipino na handang magsakripisyo na tahakin ang matirik na daan na tinatahak ng mga Pilipino na namamasukan sa ibang bansa. Muli kong napagtanto na pili pala ang mga pagbabago na aking nakita. Ang nakinabang pala sa mga dating tiwangwang na mga lupain ay pawang mga tao rin na dati nang matiwasay ang buhay. Akala ko ang mga bago at naggagandahang mga bahay na aking nakita ay pag-aari na ni Juan dela Cruz. Bagong mansyon pala iyon ni congressman dahil nagsawa na siya sa dati niyang mansyon. At eto pa, nabili pala ni mayor ang dating palugi na negosyo ni manong. Sa madaling salita, umangat ang dati nang nakaangat at nabaon ang dati nang nakalubog.

Sa kabilang dako, may nakita akong magagandang bahay sa di kalayuan na pagmamay-ari pala ni manang na ang anak ay nakapag abroad sa Hongkong. May isang malaking hardware naman sa di kalayuan na pagmamay-ari ni Jean na dating CPA at ngayon ay caregiver na sa Canada. Namangha naman ako at nasa pribadong unibersedad na si Nene kumukuha ng kursong Nursing. Sabi nila, nagkaroon na daw ng katuparan ang pangarap niya sapagkat nasa Kuwait na ang kanyang nanay na dating guro sa pampublikong paaralan.

Dalawampu't isang araw lamang ang bakasyon ko sa Pilipinas noon at gusto ko na sanang lumagi na lang upang sa ganun ay di na ako mawawalay pa sa aking pamilya. Sa totoo lang, masarap mamuhay sa lupa na maituturing mo'ng sa iyo. Walang hihigit pa sa mga panahon kung saan kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay at sa mga sandali na ikaw ay nakakapaglingkod sa sarili mong bayan. Subalit, ang mga panahon na iyong nilagi sa ibang bansa habang tinutugunan mo ang pangangailangan ng iyong mga minamahal at isinasakatuparan ang sarili mong mga pangarap ay hindi rin mahihigitan ng mga panahon kung saan ikaw ay namamalagi sa Pilipinas at nakikita ang iyong mga mahal sa buhay na naghihirap ngunit wala kang magawa. Ayon sa isang OFW na nakausap ko, sa kanyang pangingibang bansa nasumpungan niya ang karangyaan ngunit alam niya na ang kaligayahan na kanyang hinahanap ay sa Pilipinas lamang niya matatagpuan at ito ay sa piling ng kanyang mga minamahal.

Malungkot ma'ng isipin ngunit ang katotohanan ay hindi natin maiiwasan na bilang mga Pilipino, kinakailangan pa nating mangibang bayan para lang maisakatuparan ang mumunti nating mga pangarap para sa sarili at sa mga mahal sa buhay. Ngunit sa kabila ng lahat, bilang mga OFW, ang atin lang pakaisipin ay nabuhay tayo sa mundong ito upang magsilbing inspirasyon ng lahat. Ang mga OFW ay mga Pilipino na nagmamalasakit para sa kapakanan ng pamilya, ng Pilipinas at ng buong mundo.

Mabuhay ang mga OFW!